Estafa vs Globe Asiatique hinarang ng Pasig RTC

Written by 
Rate this item
(0 votes)

Estafa vs Globe Asiatique hinarang ng Pasig RTC

NAGPALABAS ng writ of preliminary injunction ang Pasig RTC para pigilan ang Department of Justice na pagsasampa ng kasong estafa kay Delfin Lee, presidente ng Globe Asiatique.

Kanina ay inilabas ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 167 ang writ of preliminary injunction para pigilan ang DOJ sa pagsasampa ng kasong estafa laban sa Globe Asiatique president makaraan ang resolusyon sa civil case na isinampa sa kanya ng Home Development Mutual Fund (HDMF) sa Makati RTC Branch 58.

Ang katulad na preliminary injunction ay pumipigil din sa DOJ sa pagpapatuloy ng preliminary investigation sa isa pang estafa case laban kay Lee.

Inilabas ni Pasig RTC Judge Rolando G. Mislang ang injunction nang panigan ang argumento ni Lee na ang kasong estafa at civil case ay magkatulad at kailangan munang may maresolbahan muna bago maipagpatuloy ang imbestigasyon sa kasong estafa.

Sa civil case na isampa sa Makati court noong Nobyembre 2010, hiniling ng Globe Asiatique sa HDMF o Pag-Ibig Fund na irespeto ang kanilang nauna nang napagkasunduan — ang pagtanggap ng kapalit ng mga kostumer ng GA at paglalabas sa naka-pending na loan take-outs ng kompanya sa Pag-Ibig.

Dinadag pa ni Mislang sa kanyang utos na ang pagkakaroon at kawalan ng “element of damage” sa resolusyon ay malalaman lamang sa civil case na hiwalay na isinampa laban kay Lee.

“If the Makati RTC resolves to compel HDMF to accept the payments tendered by GA pursuant to contracts between them, the element of damage will be negated and will necessarily result in dismissal of the estafa case.”

At ang nasabing ruling umano ng Makati court ay lubos na makaaapekto sa iba pa bang criminal cases sa lungsod.

“The issues in the civil case are determinative not only of the guilt or innocence of petitioner but also whether the criminal cases will have legs to stand on. Pending resolution of this prejudicial question, the proceedings for estafa cases should be suspended.”

Sa petisyon ni Lee, sinabi nito na sa civil case na isinampa sa kanya, ang damage na ipinangangarali ng HDMF ay self-inflicted dahil sa sila mismo ang tumangging makipag-ayos sa GA na handa namang i-update ang kanilang pananagutan.

http://www.remate.ph/2011/09/estafa-case-vs-globe-asiatique-prexy-hinarang-ng-pasig-rtc/

Read 1185 times