Wala akong violation kahit isa dito sa kasalukuyang detention cell ko.

Written by 
Rate this item
(0 votes)

Noong Octubre 29 taong kasalukuyan ako ay nakatanggap ng sulat na galing kay Hon. Judge Divina Luz P. Aquino-Simbulan,isa pong executive judge sa pampanga na walang kinalaman sa kaso ko. Ayon po sa sulat iminumungkahi po ni Hon. Judge Divina Luz P. Aquino-Simbulan na ako po ay ilipat sa BJMP Telabastagan, sa kadahilanang  may mga tsismis at anonymous letters syang natangap na may special treatment ako at iba pa.

Hindi po ito katangap tangap sapagkat una, Alam naman po ng nakararami na simula palang ng kaso na ito ay marami na pong nagtatangka sa aking buhay para ako ay patahimikin at hindi na makapagsalita , ilang beses na po akong nakatanggap ng Death Treats kaya nga po ako hindi na nakadadalo sa iba ko pang mga hearing ,upang mabawasan ang pagkakataon na mapatay ako.

Pangalawa ililipat dw po ako sa kulungan malapit sa bahay ng isa sa aking mga abogado. Ang tanong ko po ay bakit po papaboran ng korte ang aking abogado na si aAtty Rivera? Anu po ang kinalaman sa batas ng tirahan ng aking abugado sa lugar kung saan po ako ikukulong? Higit sa lahat ibang abugado ko na syang nakatira sa Manila ang may hawak ng kaso ko.

 Pangatlo ang paglilipatan ko pong kulungan ay isang piitan o kulungan kung saan mga sentinsyadong kriminal ang mga nakakulong, ibig ko pong sabihin sila ay mga convicted na ng ating hukuman samantalang alam naman po ng lahat na hindi pa po ako convicted at panalo po ako sa kaso at mismong ang Pagibig po ang nag-apela sa supreme court. Hindi ho ba ito ay labag sa batas sapagkat  ayun sa batas ako po ay pressumed innocent until proven guilty. Wag po ninyong kalimutan na nanalo po ako sa RTC Makati at Pinanigan din ng CA. Ang PAGIBIG po ang nagaapeal sa Supreme court

 Pang-apat Bakit nakipag coordinate agad si Judge Divina Luz P. Aquino-Simbulan Sa BJMP na syang lilipatan ko kahit wala pang order si Judge Reyes? hindi naman po siya ang Presiding Judge o ang may hawak sa kaso ko. Kaya ba nyang garantyahin ang kaligtasan ko? Matitiyak po ba niya na walang magtatangka sa buhay ko doon?

 Panglima, ayon po sa kanyang ADVISE TO TRANSFER LETTER nais niyang ako ay ilipat sa lalong madaling panahon na labag po sa Rule 114, Section 3 of the Revised Rules on Criminal Procedure that no person under detention shall be transferred except upon lawful order of the court. Si Judge Amifaith Reyes po ang dapat na magrelease ng order na yan at hindi sya. Wala po syang kinalaman sa kaso ko.

Pang anim doon po sa ADVISE TO TRANSFER LETTER  ni Judge Divina Luz P. Aquino-Simbulan ay lumalabas na pinangunahan nya si Judge Amifaith Reyes at ang korte dahil nakipag coordinate agad siya sa BJMP na syang lilipatan ko kahit wala pang order si Judge Reyes?, nasaan po ang DUE PROCESS doon? Bakit po siya nakikialam sa jurisdiction ng korte ni Judge Reyes kahit wala naman siyang kinalaman sa kaso. 

 Pang pito, doon po sa mga basehan na ginamit ni Judge Divina Luz P. Aquino-Simbulan, sinabi nya na mayroon daw po akong special treatment, mayroon daw pong bumibisita sa akin araw araw o mayroon daw po akong body guard at naverify daw po niya ito, pero ayon din po sa kanyang sulat ay hindi daw po ito nagtatala sa log book, kung ganoon ano po ang kanyang patunay at nasabi po nyang nakompirma nya ang nasabing tao? Sya na rin nagsabi na wala pong record sa log book.
       
Isa pa po sa mga dahilan na iprinisinta niya ay itong si Kenneth Nicdao na sinasabi niyang aking body guard ay mayroon daw pong nakaaway o nakaalitan sa kulungan na isang Zumba Instructor, ang akin pong tanong ay ano naman po ang kinalaman ko sa personal na away o alitan nila? Ibig po bang sabihin ay kahit na sino pong dumalaw doon sakin at nakipag away ay ako po ang mananagot?

Panghuli lahat po ng akusasyon at mga ginamit na basehan upang imungkahi na ako ay ilipat ay walang konkretong patotoo o walang basis at hindi factual. Ayon po sa kanya ay may natanggap po lamang siyang mga Anonymous Letters kaya ito po ay hindi magagamit dahil ito po ay hindi makokompirma o mabeberipika.

Panghuli, Nakikiusap po ako kay Judge Divina Luz P. Aquino-Simbulan na sana po ay pahalagahan ang buhay, kung sakali man po na ililipat po ako ay wag biglaan at garantyahin po nila ang aking kaligtasan. Ngayong bigla syang nagkapersonal na interest sa akin ay personal din nyang garantiyahin ang aking kaligtasan.

 gadfl09gadfl08gadfl10a

Read 2243 times
More in this category: « DRUNK WITH GREED