"VP Binay Face me in the Senate" ...- Delfin Lee

Written by 
Rate this item
(0 votes)

VP Binay face me in the senate

Vice President Binay face me in the senate. Ilabas na po natin ang katotohanan  at magkaalaman na tayo kung sino po ang sinungaling sa atin, Kailangan ko pa pong mag pasubpeona sa senado para lang masabi ko kung ano ang totoo. Dapat humarap din po kayo. Kung tunay po kayong tapat sa tao, harapin nyo ako sa senado at doon mo patunayan ang mga bintang nyo sa akin, lagi mong sinasabi na pinupulitika po kayo. hindi po ako pulitiko pero diba ang totoo ,iyan po ang ginawa nyo sa akin, ginamit nyo ako sa politika upang magpasikat po kayo.

20 years na po akong developer sa pagibig, walang record o anu mang  utang. Dumating lang po kayo, in less than one month bigla akong naging scam artist. Ang katotohanan ay top performer pa nga ang Globe Asiatique. Ang mga projects ko ang ginagamit ng ahensya nyo bilang mga modelong pang akit sa mga buyer / borrowers. Sa halip po na suportahan ay hinanapan nyo ng butas at ginawang scam na walang katotohanan.

Ayun po sa speech nyo " Samakatwid, wala sa ipinangangalandakan nilang testimonya ang tatayo sa isang hukuman ng batas. At dahil hindi tatayo sa hukuman ng batas, ipinalalabas na lang nila sa mala-circus na pagdinig sa Senado. " Vice President Binay 9 na kaso na po tayo nagtagpo sa hukuman ng court of appeals sa 9 na division na may 27 justices. Hindi pa po kayo nananalo. Lahat ng decisyon ay panig sa Globe Asiatique.

Vice President Binay humarap na po tayo sa senado. Tapos na po ang laban natin sa CA. Bakit ayaw nyo irelease ang mga titles? bakit nyo sinira ang xevera? bakit nyo pinahihirapan ang mga mahihirap na ngang mga kababayan natin.

Panahon na po upang maihayag ang katotohanan ng Dark Politics na inyong sinimulan.

Read 2545 times