VP Binay bakit lumalabas sa social media na hindi ka kasali sa Globe Asiatique- Pagibig Controversy? Nabahag nanaman ba ang buntot mo? Vp Binay anu po ang masasabi nyo sa hamon ko? Magkita na po tayo at ng lumabas na po ang katotohanan.

Written by 
Rate this item
(0 votes)

VP Binay bakit lumalabas sa social media na hindi ka kasali sa Globe Asiatique- Pagibig Controversy? Nabahag nanaman ba ang buntot mo?

Vp Binay anu po ang masasabi nyo sa hamon ko?

Magkita na po tayo at ng lumabas na po ang katotohanan.

 

VP Binay kapag hinahamon po kayo lagi na lang po kayo umaatras. Kapag may inilabas po na patunay sa mga katiwalian ninyo lagi na lang po ninyo sinasabi na pinupolitika lang po kayo, Pero ang totoo po ako ang pinulitika ninyo. Ako po ang ginamit ninyo para magpalapad kayo ng papel, ako po ang ginamit ninyo para sa maaga mong pangangampanya. Matagal na po kitang inaaya upang magkaharapan at mailabas na po ang totoo. Pero ayaw po ninyo.

Lumalabas ngayun sa social media na nakiki sakay lang ako sa issue ng mga katiwalian ninyo. Nakakapagtaka po sa social media ngayun ang pag tatangi ng mga kakampi ninyo na hindi naman ikaw ang gumulo sa xevera kung hindi ang dating administration. Nakapagtataka ngayun ang tuwirang panlilito sa tao na hindi daw po kayo kasangkot sa issue ng GLobe Asiatique - Pagibig Conrtroversy. Nagsimula ang panlilinlang na ito ng malaman ng taong bayan na hindi pa po kayo nananalo sa korte, siyam na beses na kayong napapahiya, Pinaniwala ninyong nasa akin ang mga titolo ng fully paid buyer / borrowers pero ng lumabas ang katotohan sa taong bayan na ikaw talaga ang nang iipit sa mga titulo ng mga fully paid buyer / borrowers, hindi na raw po kayo kasali sa usaping ito,

 Simula po ng malaman nilang may hacienda ka, may air-conditioned  piggery ka, na meron kang itinatagong yaman, man made lagoon, na ginagamit nyo ang pera ng taong bayan sa personal ninyong pakinabang at higit sa lahat simula ng malaman ng taong bayan na ayaw nyo na pong tuparin ang mga pangako nyo na irelease ang mga titulo ng fully paid buyer borrowers, 

Dahil sa pag LABAS PO ng mga katotohanan at pagkakapahiya ninyo ay HINDI NA raw IKAW ANG GUMAWA NG LAHAT NG KAGULUHAN SA XEVERA PROJECTS AT IBA PANG PROJECTS NG GLOBE ASIATIQUE.

subalit ito po ang katotohanan VP  ayun po sa iyong dila at sa website ninyo, and i quote "

Too bad for Delfin Lee, the man who ordered the pressing of charges against him understands his job, Vice President Jejomar C. Binay said in response to the arrested estate developer’s allegation that he would rot in jail if Binay won the presidency in 2016.

http://www.ovp.gov.ph/index.php/18-press-release/local-concerns/64-vp-binay-to-delfin-lee-too-bad-i-understand-my-job .

Marami pa pong patunay sa mga link sa ibaba tungkol sa pagsisinungaling at maaga ninyong pamumulitika  Ginamit nyo lang po ako sa pangangampanya. Ginamit nyo ang mahirap nating mga kababayan ,niloko pa ninyo  ang mga tao na sumama sa mga plano nyo upang siraan ako at ang Globe Asiatique.

Wala naman pong totoo sa mga sinabi nyo hindi ba?

Harapin mo na po ako at ilabas na natin ang totoo.

Magkita tayo sa senado para malaman ng buong bansa kung sino ang sinungaling sa atin.

https://www.youtube.com/watch?v=I5lcLasQ2tg

http://www.philstar.com/headlines/2014/03/10/1299264/binay-urges-delfin-lees-scam-victims-file-complaints

http://xozoz.com/RWY2ZTJmMzU0RkVj

http://www.headlinegl.com/vp-urges-xevera-lot-owners-file-suits-against-delfin-lee/

Read 762 times