Ngayon lang ako sasang ayon sayo VP, Dapat sundin ang utos ng CA, kasi inutusan ka din ng CA na irelease na ang mga titulo ng fully paid buyer / borrower pero hindi mo sinunod. Wag mong sabihin na biktima ka rin

Written by 
Rate this item
(0 votes)

Sa ngalan po ng mga fully paid buyer/borrower ng xevera mabalacat at bacolor, sa ngalan po ng mga mahihirap na nangarap na magkabahay at lupa, sa ngalan po ng taong bayan, sabihin mo na po ang totoo, aminin mo na po sa taong bayan kung bakit mo po iniipit ang titulo ng mga fully paid buyer/borrower ng xevera.

Ayon sayo “Binay said the rule of law must be upheld at all times.

“‘Without which justice can never prevail nor the stability of the social order preserved,”

Sayo na nang galing yan VP Binay pero bakit kaya ayaw mong sundin ang desisyon ng Court of Appeals order Civil Case No. 10-1120 Kasi po ang totoo susunod ka lang sa batas pag pabor sayo hindi po ba? Inuutusan ka na ng RTC at CA na ibigay ang titulo ng fully paid buyer / borrower pero hindi mo sinunod. Ikaw na ang inirereklamo ng mga home owners hindi ba?

Aminin mo na po kung bakit ayaw mong sundin ang batas, aminin mo na po kung bakit ayaw mong sundin ang utos ng Court of Appeals. Ayon nga sa website ninyo  http://www.ovp.gov.ph/index.php/18-press-release/local-concerns/64-vp-binay-to-delfin-lee-too-bad-i-understand-my-job penersonal mo ang Globe Asiatique, penersonal mo ako, penersonal mo ang mga kababayan nating mahihirap.

Ito pa ang mga sinabi mo The Vice President said their refusal is “a stubborn display of political arrogance.” http://newsinfo.inquirer.net/680311/amid-standoff-in-makati-vp-binay-says-rule-of-law-must-prevail

Parang bumalik lang po sayo ito eh, kayo po ito. Discription nyo po iyan. Mayabang, ayaw sumunod sa korte at sarili lang ang iniisip. Ipapaalala ko po sayo ang desisyon ng CA.

4. Defendants are ordered to automatically off-set the balance of those listed in Annex “B” of the Motion for Summary Judgment against the retention money, escrow money, funding commitment fees, loan take-out which are still in the control and possession of defendant HDMF.

5. Defendants are ordered to accept the replacement-buyers listed in Annex “F” of the Motion for Summary Judgment, which list is unopposed by defendants, without interest or penalty from the time of defendant HDMF’s cancellation of the Collection Servicing Agreement (CSA) resulting to the refusal to accept the same up to the time that these replacement buyers are actually accepted by defendant HDMF.

6. Defendants are ordered to release the corresponding Transfer Certificate of Titles [s] (TCT’s) of those accounts which are fully paid or subjected to automatic off-setting starting from the list in Annex “E” of the Motion for Summary Judgment and thereafter from those listed in Annex “F” thereof and cause the corresponding cancellation of the annotations in the titles thereof.

VP Binay isa lang ang masasabi ko sayo ngayon, “Since when can an opinion and speculation overrule a court order?” ay ikaw din pala nagsabi niyan. Sige ikaw din ang makakasagot niyan kasi ayaw mong sundin ang utos ng Court of Appeals.

Para sa mga kababayan nating bumili ng bahay sa Xevera, aminin mo na po samin kung ano ang plano mo sa lupa ng xevera Bacolor at Mabalacat, nasa 100 hectars  po iyon, lubhang malayo sa hacienda Binay. Pumunta pa po kayo sa xevera at sinabi nyo na tutulungan mo silang makuha ang mga titulo nila. Nagpanggap po kayo na iyon ang gagawin ninyo pero ang totoo iniipit mo ang mga titulo. Nangako po kayo na tutulong kayo na maibibay ang mga titulo ng mga fully paid buyer/borrower kung idedemanda nila ang Globe Asiatique, nangako po kayo sa taong bayan. Pero anu ba ang totoo Mr VP? Marami kayong salita pero iba naman ang ginagawa ninyo…

Harapin mo ako sa SENADO, Simple lang naman po ang mga paguusapan natin:

  1. Nagdesisyon na po ang Court of Appeals na irelease na ang mga titulo ng mga fully/paid buyer/borrower, pero bakit mo pa iniipit?
  2. Kung totoo pong para sa mahirap ka bakit ayaw mong sundin ang batas? Bakit mo pipigilan ang pagrerelease ng mga titulo ng mga fully paid buyer/borrower?
  3. Bakit mo po niloko ang mga taga xevera upang idemanda ang Globe Asiatique kapalit ang mga titulo nila? Ngayon po ikaw ang dinedemanda nila.

Di bale na pong mabulok ako dito sa kulungan , di bale na pong wag nyo ng sundin ang utos ng Court of Appeals na palayain po ako, ang kundisyon ko lang po ay maawa po kayo sa taong bayan, ibigay mo na po ang mga titulong iniipit mo , hindi mo po pwedeng gawing hacienda Binay ito, hindi mo po pwedeng lagyan ng babuyan na may aircon, hindi mo po pwedeng lagyan ng taniman, hindi mo po pwedeng lagyan ng resthouse dahil una sa lahat pagaari na po ito ng mga mahihirap nating mamamayan. Bago pa man po mawalan ng tiwala ang taong bayan sa pagkatao nyo, sa mga sinasabi nyo at sa mga intension ninyo, gawin mo nalang po ang tama, Sabi nga po sa bible “TRUTH WILL SET YOU FREE’’.

http://newsinfo.inquirer.net/680311/amid-standoff-in-makati-vp-binay-says-rule-of-law-must-prevail

http://www.abs-cbnnews.com/nation/metro-manila/03/19/15/binay-files-contempt-raps-vs-morales-de-lima

http://newsinfo.inquirer.net/680106/junjun-binay-includes-ombudsman-morales-de-lima-in-contempt-petition

http://www.tempo.com.ph/2015/03/20/de-lima-morales-roxas-connived-vs-tro-binay/

http://www.rappler.com/nation/87354-junjun-binay-ombudsman-doj-contempt

http://www.balita.net.ph/2012/07/16/kanselasyon-ng-pasaporte-ni-lee/

https://www.youtube.com/watch?v=I5lcLasQ2tg

http://ptvnews.ph/video-news/video/newslife-vp-binay-offers-legal-help-to-xevera-homeowners-vs-delfin-lee-mar-10-14

http://www.philstar.com/headlines/2014/03/10/1299264/binay-urges-delfin-lees-scam-victims-file-complaints

http://www.headlinegl.com/vp-urges-xevera-lot-owners-file-suits-against-delfin-lee/

Read 888 times