Mga karagdagang patunay na hindi totoo at tapat si VP Binay sa taong bayan, Mag-ingat sa taong may kakayahang magsinungaling

Written by 
Rate this item
(0 votes)

Isisiwalat ko po sa inyo at ilalabas ko ang mga katotohanan ukol sa harapang kasinungaling ni  VP Binay. Marami na po siyang naloko  sa xevera wag na po sana kayong masama.

Kasama sa post na ito ang isang patunay na galing sa ABS-CBN ukol sa kakayahan ni VP Binay na magsinungaling.

Una ayon  po sa inyo,VP binay, napagaralan nyong mabuti ang kasong isinampa sa akin at sa Globe Asiatique. Ayon pa kay VP

"Siguro, ang malas lang ni Mr. Lee, natapat s’ya na naiintindihan ko ang ginagawa ko. Uulitin ko, inaral namin itong mabuti." Binay told reporters after speaking at the Financial Times-First Metro Philippine Investment Summit Monday afternoon."

 Lumabas po yan sa website ninyo. Pero anu po ba ang totoo? Hindi po bat sa syam o nine na kaso wala pa po kayong panalo. Kaya nga po nagissue na ang CIDG atPNP ng certificate na delisted na ako sa most wanted. Nakalaya na ako at natagpuan sa isang hotel, meron bang nagtatago na nasa hotel?

Inulit nyo pa po ang kasinungalingan Mr VP.  Ito ay isa lamang sa paulit ulit na malaking kasinungaling na ginawa mo at harapan mo pa itong ginawa sa mga taga xevera.

Ito po ang sinabi ninyo.

"Kayo pong mga nandito, huwag po kayong mag-aalala. Laban ho tayo. Nasa panalo po tayo. Walang dahilan para matalo po ito sapagkat pawang katotohanan lamang ho ito”

Lumabas na rin po yan sa pahayagan, TV, radio and kung anu anu pa. Totoo po ba? hindi bat napahiya na naman po kayo dahil kayo po ngayon ang idinemanda ng mga taga xevera?. Hindi lang po iyan bukod sa demanda na tinaggap ng PAGIBIG mula sa mga tao na inuto ninyo ay buong lakas pa ng loob na sinabi nyo sa tv ang mga salitang ito nuong inuutusan na kayo ng korte na ibigay na ang mga iniipit na titulo sa mga fully paid buyer / borrowers

“Decision of the court of Appeals is not final and executory because the matter was brought to the Supreme Court”

Mr .VP alam na po ng tao ang lahat ng katotohanan. Alam na po ng mga botante na harapan ay kaya nyong magsinungaling. 

Magkita po tayo sa senado at ilabas na natin ang mga katotohanan.

Sa mga kababayan ko, magingat po sana kayo at wag ng maniwala

https://www.youtube.com/watch?v=vsGCXcjb2z4&channel=UCV0QhW-LSiqaosixkVGhGwg

#ayawdumalovsnagpapadalo

#deceivervsdeveloper

Read 1102 times

Video